Lunes, Hulyo 4, 2011

Chapter 2: Bobby Gonzales

BJ Boxing Gym (Manila):
Tatang: Bob, notice of disconnection ng Meralco.
Bobby: Naman. Wala ba kita ang gym, tatang?
Tatang: Mahina, naglipatan parokyano natin sa kabilang gym. (KP Gym)
Bobby: Pati ibang sponsor natin huminto sa pagsuporta. Hayyy..... Wala bang baguhan dyan na may talent?
Tatang: Wala, puro baklain lang ang nag-gygym. L
Bobby: Tang, No choice, kailangan natin mag scout. Kung wala tayong champion sa gym, di magbabalikan parokyano natin.
Tatang: San tayo maghahanap?
Bobby: Alamin mo lahat ng barangay boxing tournament d2 sa mga karatig probinsya. Dadayuhin natin.
Tatang: Ok Bossing!
Next Scene: BJ Boxing Gym office
Si Bobby ay isang Licensed Physical Therapist. Namana nya ang Boxing Gym sa kanyang amang si Bobby Senior. Sikat na boxing gym ang Bobby Boxing Gym pero nung tinamaan ng cancer ang kanyang ama naubos ang lahat pera para sa pagpapagamot. Natigil ang pagaasikaso sa upcoming contenders nila sa mundo ng boksing.
Tinabihan ni tatang si bobby habang pinagmamasdan ang mga lumang litrato sa dingding.
Tatang: Nagkaroon tayong 2 World Champion dito sa gym.
Bobby: Alam ko yun tatang, memoryado ko lahat na naging champion dito sa gym. Mula kay Kid Suaret hanggang kay Billy Dynamite.
Tatang: Suarez, bobby, Kid Suarez.
Flashback: Sabi mo di ka matatalo! (Batang Bobby) Hehe, ganun talaga boksing Bobby. Kahit llamado ako, isang tsambang suntok lang ay pwede akong ma KnockOut.(Kid Suarez). Wala ka! Panget! Mula ngayon di ka na si Kid Suarez! Kid Suaret ka na! Panget!
Bobby: Si Flash, Tatang nag pro na ba?
Tatang: Di pa, nasa Cebu sya nag tra-training para sa SEAgames.


Biyernes, Hunyo 24, 2011

Chapter 1: Part 3

Next Scene: Mar’s Barber Shop

Tito: Manong Marian!

Mariano: Uy, Tito, musta na? Di ka na masyado tumatambay dito ha?

Tito: Panay kasi ang ensayo ko, kuya.
Sabay kuha sa piyesa ng chess at sabay sabi ng “checkmate”

Mariano: Hay naku, Tito, nagboboxing ka pa rin ba? Naniniwala ka pa rin ba kay tatay na may kakayahan tayong mga Sorrerang magpatumba ng kalabaw sa isang suntok lang?

Tito: Di po kuya. Sabay ngiti

Tambay: Ano! Isang suntok! Tama ba ang narinig ko?

Mariano: Opo manong, Frustrated boxer ang tatay namin. Mahilig sa boxing pero ang boxing walang hilig sa kanya. Pinalaki kaming boksing gloves ang ginagamit na unan at dantay sa pagtulog. Ang kwento nya nung bata pa kami na yung lolo namin ay napatumba ng isang suntok lang ang isang nagwalang kalabaw sa bayan.
Biglang nag flashback sa mata ng tambay ang araw na iyon. Isang magsasaka ang humarang sa gitna ng kalye at sinuntok ang padating na nagwawalang kalabaw at bumagsak ang kalabaw sa lakas ng suntok.

Tambay: Nakita ko yung pangyayari Marian. Lolo nyu pala yun. Pambihira ang straight ang binigay nya sa kalabaw. Ang galing!! Sabay hampas sa binti.

Tito: Kitam kuya, totoo ang mga kwento ni tatay!

Mariano: Manong, di nga? Nanduon kayo ng araw na iyon?

Tambay: Tandang tanda ko pa. Nasa bayan kami ni nanay at namimili kami ng lapis at papel ng biglang may sumigaw ng buang! Buang! May isang kalabaw na nagwawala. Bigla kami pumasok sa loob ng tindahan. Sinirado ng tindera ang pintuan at sumilip sa may bintana. Unti-unti namin naririnig palapit ang mga yabag ng kalabaw. Sinira ng kalabaw ang lamesa na may mga paninda sa labas ng tindahan. Diyos ko, ayaw ko pa mamatay, sigaw ng aking ina!

Tito: Tapos, manong?

Tambay: Habang nagsisigaw ang nanay ko, sumilip din ako sa may bintana.Nakita kong may mga taong nagpapahabol sa kalabaw para lumayo sa pamilihan. Nang biglang may biglang sumulpot na lalake sa gitna ng lansangan at may hawak syang lubid. Nang nakita sya ng kalabaw, unti-unti itong kumuha ng bwelo at sabay takbo patungo sa lalake.

Mariano: Tapos? Tapos?

Tambay: Nang susuwagin na ng kalabaw ang lalake bigla-bigla itong umilag at tumalon pakaliwa, ay pakanan pala, ay teka kaliwa ba o kanan??

Tito: Manong!

Tambay: Ah, basta naiwasan! Sabay tapon ng lubid at swak na swak na shoot sa leeg ng kalabaw.
Mariano: Nahuli ni lolo!

Tambay: Nakatali pala ang dulo ng lubid sa sa poste ng ilaw ng pamilihan. Pilit gustong makawala ng kalabaw pero di yun nangyari. Nagsigawan ang mga tao ng di na pumipiglas sa lubid ang buang na kalabaw.
Mariano: Teka, teka akala ko sinuntok ni lolo yung buang. Nahuli lang pala ng tali.

Tambay: Di pa ako tapos.

Tito: Di pa sya tapos, manong.

Mariano: Pwes, tapos?

Tambay: Lumapit na ang ilang tao sa kalabaw at ang akala'y ito'y tuluyan ng napagod at tapos na sa pagwawala. Nang muling itong nabuang at susuwagin na sana ang isang nakatalikod ng lalake, ng biglang niyakap ng lolo nyo yung lalake at sabay silang bumagsak sa lansangan.

Tambay: Nakatingin ang kalabaw sa lolo nyo at sa isa pang lalake, ng may biglang may sumigaw! Ianiiiiiing! Sobrang nakabibingi yung tinig!

Mariano: Huh, sinong sumigaw?

Tambay: Isang buntis.

Tito: Bun-tis?

Tambay: Sabay sumagot ang lolo nyo ng "Yes Darling?"

Tito: Darling? Si Lola Sol?

Tambay: Sumagot yung babae ng "Bilisan mo dyan at manganganak na yata ako!

Mariano: Si tatay Johnny ipanganganak na?

Tito: Tapos?

Tambay: Tumayo ang lolo nyo at tinaas nya ang kanyang mga kamay at tinikom nya ang kanyang mga kamao!

Tambay: Nagpipiglas ang kalabaw sa tali. Sinipa ng kalabaw ang poste at ito'y nabali sa mga sipang natanggap nito. Bumalik pansin ang kalabaw sa lalake at tumakbo ito patungo sa kanya. Lumihis pakanan ang lolo nyo at ng maiwasan nya ang suwag ng kalabaw sinuntok nya ito sa panga at pareho silang nawala sa balanse . Sa lakas ng suntok na tinamo nito, gumulong pakanan ang kalabaw.

Tito: Sapol!

Mariano: Gumulong? Di nga?

Tambay: Oo, bumaksak ang kalabaw!

Mariano: Isang suntok lang??

Tambay: Isang suntok lang!

Tito: Ano na nangyari sa kalabaw?

Tambay: Bumangon ito! Nang nakatayo na sya umatras ito sa lolo nyo.

Tito: Tapos, Manong? Umatake ulit ba yung kalabaw? Si lolo Marian, ano na nangyari kay lolo?

Tambay: Pareho silang nasa gitna ng pamilihan. Ang kalabaw ay nakatayo lang at nakaharap sa lolo mo. Mistulang parang normal na kalabaw. Nakatayo at umu-ungaa. Ang iyong lolo ay dali-dali namang lumapit sa kalabaw pero may dinampot muna siya sa daan at nilagay sa bulsa. Kinuha nya ang dulo ng lubid na nakatali pa rin sa kalabaw at iniabot sa isang lalake na parang kakilala nya.

Tito: Di na nabuang yung kalabaw??

Tambay: Nagulat din ako!

Mariano: Eh si lolo, ano na nangyari kay lolo??

Tambay: Biglang tumakbo patungo sa paanakan. Dun nanggaling ang tinig ng sumigaw na babae.

Tito: Wow! Ang galing ni lolo! Isang suntok lang at napatumba ang kalabaw! (Pabulong na sinabi sa isip)

Tito: Ang galing ni lolo!

Mariano: Sus! Naniwala ka naman sa kwento ni manong. Unang-una si tatay ay hindi pinanganak dito sa Laguna kundi sa Maynila kaya imposible si Lola Sol yung nanganganak.

Tambay: Heehehehe.

Tito: Gawa-gawa nyo lang yung kwento? Sabay iling

Mariano: Oh sya, handa ko lang yung labaha ni tatay. Pumasok sa loob ng kwarto

Biglang umupo sa barber's chair si Tito at nagbasa ng dyaryo

Tambay: Heeheehehe.

Tito: Di nakatatawa biro nyo manong!

Tambay: Heehehehehe, ngayon ko lang napansin. Pag nakaside-view ka ay kamukha mo ang lolo mo.

Tito: Hoy manong, may nakasulat ba sa mukha kong pwedeng akong bolahin?!

Tambay: Lumapit ako patungo sa kalabaw at kinausap ko yung pinag-abutan ng lubid. Tinanong ko kung bakit nabuang yung kalabaw? Di ako pinansin at unti-unti na ako lumayo sa kanya ng may narinig akong boses sa likod ko." Masakit kasi ang ngipin!"

Tinaas ni Tito ang binabasa ng dyaryo sa kanyang mukha. Pinapakita nya hindi na sya interesado sa kwento ng matanda.

Tambay: Lumapit uli ako sa lalake at dun ko lang napuna na may holster at baril na nakatago sa loob ng kanyang jacket. Bakit di nyo binaril na lang yung kalabaw para di na nagbigay perwisyo sa bayan?? Sumagot ang lalake "Di ko pwede patayin si Junior, baka magalit si Darling."

Junior?? Darling?? Naguguluhan ako po?? ang sagot ko.

Si Junior ang pangalan ng kalabaw ko. Si Darling naman ang asawa ko at nagla-labor na sya sa loob ng paanakan.

Biglang binaba ni Tito ang binabasa nyang dyaryo.

Tito: Kung ganun, di nga si lola Sol ang nanganganak!

Tambay: Tumpak!

Tito: Eh bakit di nyo sinabi agad? Di na tuloy naniwala sa inyo si Manong Marian! Ang akala nya nagimbento na naman kayo ng kwento.

Tambay: Napagisip kong mas mabuti sa bandang huli na malaman nyang gawa-gawa ko na lang yung kwento. Baka bumalik sa pagboboxing yang kuya mo pagnalaman nyang totoo ang kwento sa lolo nyo. (Tsaka sobrang yabang yang kuya mo. Baka araw-araw ko na lang maririnig dito sa barberyahan ang kwento ng lolo nyo.)

Tito: Galing ni lolo!

Tambay: Di pa tapos ang kwento ko Tito! Gusto mong ituloy ko?

Tito: Aba'y opo! Go on!

Tambay: Kinuwento ng lalaki na kasamahan nya ang lolo mo sa US navy. Isang medical officer yung lolo mo at sarhento naman sya. Nang matapos ang gyera dito sila sa Laguna nanirahan at magkapitbahay lang sila. Pinikausapan nya ang lolo mong magdeliver ng baby dahil walang doctor o komadrona ng manganganak na ang misis nya.

Tito: Si Tatay Ipe siguro yung lalake at Si Nanay Daring naman yung nanganganak manong. Yun ang nagpalaki kay tatay Johnny ng namatay ang lolo't lola namin. Patay na rin sila ngayon. Sumalangit nawa ang kanilang kaluluwa.

Tambay: Felipe nga ang pangalan nya. Nang matapos manganak si Darling lumabas na ang lolo mo at pinapasok na nya si Mang Felipe. Binati ko ang lolo mo. Sinabi ko sa kanyang napakahusay ng ginawa nya kanina. Ngumiti sakin ang lolo mo at may kinuha sya sa kanyang bulsa. Iniabot nya sakin ang isang malaking dilaw na ngipin. Ang sabi nya ay "remembrance" . "Gawing mong lucky charm yan."

Tito: Yung ngipin ng kalabaw ay binigay sa inyo??

Tambay: Ofcourse!

Tito: Wow!!

May nilabas na panyo si manong at unti-unti nya tinangal ang buhol sa panyo. Kinuha nya ang isang malaking ngipin at iniabot kay Tito.

Tambay: Remembrance ko yan ng lolo mo at sayo na yan.

TO BE Continued

Chapter 1: Part 2

Next Scene: Boxing Gym

Tito, training sa gym. Sumuntok sa punching bag… Sumabog dahil sa suntok. Nag-eensayo sa speed bag napakabilis…. Ginagamit ang jumping rope… ang husay…. May ka sparring… nakipagsabayan sinuntok at napatumba… Yes! Woooohoooo!

Mang Pepe: Tito,Tito, Tito gising ka na. Nag text sa akin si Johnny(ama ni tito), kailangan ka daw sa tuktok(ang magulang ni Tito ay nakatira sa tuktok ng bundok, mga mountain rangers).

Tito: Bakit daw, po?

Mang Pepe: Di ko alam pero sabi nya pasabay na rin yung pinahasa nyang labaha sa kuya (Mariano)mo.

Tito: Sige po, pakisagot na OK. (At naghanda na si Tito para sa munti nyang lakbay.)

TO BE CONTINUED...

Huwebes, Hunyo 23, 2011

Chapter 1: Tito (Part 1)

First Scene: “And the winner is Lito “Cobrita” Lazaro.” Referee raising the winner’s hand.
Mang Pepe: Talo ka na naman, Tito. Wala ka talagang ka talent-talent. Ni isang round wala kang napanalo. Lumalakad patungo sa locker room.

Locker Room:
Mang Pepe: May labing-isa ka ng talo. Humanap ka na ng ibang trainer Tito, ha.

Baka walang kumuha sa aking coach pag nakita nilang tini-train kita tapos malalaman nilang puro talo ang lahat ng laban mo.

Tito: Naku ninong wag mo naman akong iwan. Papaano kung iwan mo ako tapos bigla akong manalo. Baka isipin nilang wala kang kwentang trainer.

Mang Pepe: Kita mo tong batang to’ Ako pa ang ginawang dahilan kung bakit ka natatalo.

Tito: Ninong, (hingang malalim) Isang laban na lang, manalo o matalo hihinto na ako sa boxing.

Mang Pepe: Tito, wag ka ng lumaban pa dahil siguradong matatalo ka lang. Ilaan mo na lang ang panahon mo sa pagiging mountaineer. Duon ay may iaasenso ka pa.

Tito: Kailangan kong manalo sa susunod na laban. Alam kong may talent ako. Nasa dugo naming mga Sorrera ang pagiging henyo sa boxing.

Mang Pepe: Hu, kung nasa dugo nyo ang pagiging henyo, Sana may sumikat man lang ni isa sa inyong pamilya. Eh, puro no wins din yang tatay at utol mo eh. Haynaku!

Mang Pepe: Mag ensayo ka muna, Tito, pag igihan natin ang training mo para sa susunod mong laban, para makamtan mo ang una mong panalo.

Tito: Tama ka ninong, todo ensayo ang gagawin ko. Ang susunod na maririnig natin sa pagtapos ng laban ko ay “And the winner is by way of the Knockooouuut…… Titoooo Sorreeraaaaa………”

Mang Pepe: Haynaku! Humangad pa ng knockout.

TO BE CONTINUED...