First Scene: “And the winner is Lito “Cobrita” Lazaro.” Referee raising the winner’s hand.
Mang Pepe: Talo ka na naman, Tito. Wala ka talagang ka talent-talent. Ni isang round wala kang napanalo. Lumalakad patungo sa locker room.
Locker Room:
Mang Pepe: May labing-isa ka ng talo. Humanap ka na ng ibang trainer Tito, ha.
Baka walang kumuha sa aking coach pag nakita nilang tini-train kita tapos malalaman nilang puro talo ang lahat ng laban mo.
Tito: Naku ninong wag mo naman akong iwan. Papaano kung iwan mo ako tapos bigla akong manalo. Baka isipin nilang wala kang kwentang trainer.
Mang Pepe: Kita mo tong batang to’ Ako pa ang ginawang dahilan kung bakit ka natatalo.
Tito: Ninong, (hingang malalim) Isang laban na lang, manalo o matalo hihinto na ako sa boxing.
Mang Pepe: Tito, wag ka ng lumaban pa dahil siguradong matatalo ka lang. Ilaan mo na lang ang panahon mo sa pagiging mountaineer. Duon ay may iaasenso ka pa.
Tito: Kailangan kong manalo sa susunod na laban. Alam kong may talent ako. Nasa dugo naming mga Sorrera ang pagiging henyo sa boxing.
Mang Pepe: Hu, kung nasa dugo nyo ang pagiging henyo, Sana may sumikat man lang ni isa sa inyong pamilya. Eh, puro no wins din yang tatay at utol mo eh. Haynaku!
Mang Pepe: Mag ensayo ka muna, Tito, pag igihan natin ang training mo para sa susunod mong laban, para makamtan mo ang una mong panalo.
Tito: Tama ka ninong, todo ensayo ang gagawin ko. Ang susunod na maririnig natin sa pagtapos ng laban ko ay “And the winner is by way of the Knockooouuut…… Titoooo Sorreeraaaaa………”
Mang Pepe: Haynaku! Humangad pa ng knockout.
TO BE CONTINUED...
TO BE CONTINUED...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento